Di ako nakauwi!
Pasensiya na po at may klase. Hay. Ito na lang ang natitira kong karapatan hindi ko pa magawang isakatuparan. Waaah.
Sa lahat po ng mananalo, nawa ay maipagawa na po ninyo ang mga kalsada, lalo na yung nasa tapat mga terminal ng sasakyan. Kakatakot pag tag-ulan, sayang ang laba sa Ariel.
Salamat din sa mga magpapatupad ng "for official use only" sa sasakyang pambarangay (at iba pang kagamitan). Paki-pulot na rin po ang mga batang papunta ng eskwela na walang pamasahe, para di sayang ang gasolina.
Higit sa lahat, MAGTANIM ng PUNO! At sana po may programang maipatupad para sa problema sa basura. Pramis.
Sa mga SK (dati din po akong tulad niyo) --- huwag sayangin ang nakalaang pondo. Sa totoo lang, kung makakapag-umpisa kayo ng negosyo para sa mga kabataang walang trabaho, yun na lang kesa sa mga palarong nauuwi sa gulo.
Yun lang, bow.
10.29.2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment