4.09.2009

NAGANAP NA.


Tuldok.
Wakas ng nakahahapong
pagpupumiglas, pakikibaka;
Pait ng damdaming
Hindi bumibitaw.

Paghupa.
Pananahimik at pagsuko
Sa di maikakailang
Katotohanan ng
pagkakaganap sa naitakda.

Natupad na.
Ikutin man bawat sulok,
Halughugin bawat dulo,
Himayin bawat hibla;
Hindi makakasumpong ng
dahilan upang ipagpatuloy ang:

- pagkataong tinatalikuran
- mapagpanggap na kabutihan
- hinanakit na dinuduyan
- pag-aatubili, takot, kabalisahan.

Naganap na.
Kalayaan.
Tunay,
Buo,
Sapat,
Para sa Iyo.
Ngayon.

No comments: