10.15.2008

Nakindatan ka na ba ng pusa?!?!?


Ito si Kapitan.

Siya ang dahilan kaya ako ngayon ay nagpapakain ng pitong pusa. Samantalang noong bagong lipat kami dito, araw-araw ibang strategy ang sinubukan para lamang huwag makapasok sa kusina ang mga pusa(kal) na ito. Tuwing umaga kasi kinakalkal nila ang aming basura(!).

Hanggang isang araw, kami ay nagwagi. Sa wakas. O yun ang akala ko. Nang hindi na sila makapasok, nakikisilip na lang sila sa aming bintana. Kaya minsang nakatitig siya, aba nakititig din ako. At sa hindi inaasahan, ako ay kanyang --- tama ka --- kinindatan! Sa buong buhay ko ngayon ko lang nalaman na marunong palang kumindat ang pusa.

Niweys, fast forward ... dahil sa isang kindat na yon, isinuko ko ang batalan. Sige na nga, friends na tayo. Ha?!? O siya pati mga friends mo friends ko na rin (demanding ka ha).

At doon nga nagsimula ang isang panibagong relasyon.

Hmp. Pero bawal ka pa rin sa bahay ko ha. Pinag-iisipan ko pa. Kaya mula ngayon, sa bubong tayo magtatagpo. Doon kayo kakain, intiende?

At yun na. Bow. (Err.. Meow.)

2 comments:

Mai said...

Hehehe does Rio have any pets?

JINGSINayOcampo said...

She does now, hehehe, albeit from a manageable distance :)