8.26.2007

Ayawan na?

Kaibigan,

Hindi nasayang ang mga taon ng samahan. Kaya lang, wala ring saysay kung ang patutunguhang inaasam ay hindi naman narating.

Bakit ba nagbago ang isip mo?

Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin ako.

Mas mahalaga nga ba ang paglalakbay kaysa patutunguhan? O mas may saysay ang dulo sa dinaanan?

(Sabayan mo na lang muna ako sa isang malalim na buntong-hininga.)

No comments: